Tuesday, December 10, 2013

Ang Limang Pandama

credits to todayifoundout.com
          Makikita  na may pagkakaugnay ang wika sa limang pandama (senses) at ang lahat ng ito ay may pagkakaugnay sa kultura. Kadalasan,sa kultural na aspeto ng wika, iniiba natin ang kahulugan ng mga salita na iba ngunit kaugnay sa konbensyonal na kahulugan nito. Katulad na lamang sa paksa ng paggamit sa limang pandama - paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama - at bigyan ang mga ito ng ibang kahulugan base sa ibig natin sabihin. May ilan ding mga kategorya kung saan madalas gamitin ang mga salitang ito sa ibang kahulugan. Ilan na rito ay ang paglalarawan sa isang relasyon o sa karanasan. Sa partikular na aspeto ng panlasa, itatangka ang paglista ng iba’t-ibang mga salita at parirala  mula sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas na tumutugon  sa ganang relasyon o karanasan. Kasama na rin dito ang mga katumbas ng mga salita-matamis,maalat, maasim, at iba pang lasa sa Tagalog- sa ilang mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mula sa artikulong ito ay susubukang ihanay ang mga salita at mga parirala ayon sa mga  kategorya , halimbawa na lamang ang kategoryang senswal/sekswal. Sa huli, ibabahagi ang mga pagkaka-ugnay at pagkakaiba ng ilan sa mga wika sa Pilipinas pagdating sa metaporikal na paglalarawan ng relasyon at karanasan gamit ang aspeto ng panlasa.

Antas ng lasa sa pagkain (mula pinakamasa
ma hanggang pinaka-kanais-nais)
Antas ng Pagkain
o
Pag-inom
Estado ng relasyon
o Paglalarawan sa karanasan
Paglalara
wan sa mukha
o
 facial expression
Senswal
o
Sekswal
Pananalita


Katangian
Nakakasuka
Tikman
matamis
matamis na ngiti
masarap
dulo ng dila
mabalahibo ang dila
Panis/lasang panis
Lasahan
malinam
nam
maasim
may asim pa
buhol
kumakalam ang sikmura
Malansa
Lasapin
masarap
nakakasuya/
nakakaumay
tikman
kinakain ang salita
may gatas pa sa labi
Mapakla
Kainin
nakakasuya/
nakakaumay
nakakasuka
dilaan
matabil ang dila
Mapait
Lamunin
maalat
uhaw
makati ang dila
Maasim
Lunukin
mapait
naglala
way/
pinaglalawayan (?)
mabulaklak magsalita
Maalat
Sakmalin
matamis magsalita
Matamis
Higupin
matalim ang dila
Malasa
Inumin
mapait magsalita
Masarap
Lagukin
maanghang magsalita
Malinamnam
Laklakin
mabalahibo ang dila
Katakamtakam (?)
magdilang anghel
panis na ang laway


Sa ibang wika:

(Bisaya) Lami - masarap
(Hiligaynon, Bisaya) Aplod - yung lasa ng hindi pa hinog na prutas
(Cebuano) Aslom - maasim
(Cebuano) Asgad - maalat
(Cebuano) Tab-ang - for matabang
(Hiligaynon) sabor - lasa
(Hiligaynon) tilaw - tikim
(Hiligaynon) las-ay - walang lasa
(Kapampangan) maslam - maasim
(Kapampangan) mayumo - matamis
(Kapampangan) malat - maalat
(Kapampangan) manyaman - masarap
(Kapampangan) mabangnas - panis
(Kapampangan) takman – tikman
(Ilocano) naapgat - maalat
(Ilocano) nasam-it – matamis
(Ilocano) naalsem – maasim
(Ilocano) napait – mapait
(Ilocano) nagasang – maanghang
(Ilocano) namit – for masa

credits to travelandlifestylediaries.com
Makikita mula sa mga salita sa itaas na ang panlasa ay mas madalas ginagamit bilang panlarawan ng relasyon, e.g. maalat, matamis, mapait. Ginagamit rin ang ibang mga salitang kaugnay ng panlasa at ng mga bahagi ng katawan na ginagamit para sa pagkain at paglasa sa pagtukoy sa sari-saring katangian at aspeto ng buhay. Ang mga ito ay maaring nagpapatunay ng kahalagahan at malaking papel ng pagkain sa kulturang Pilipino, lalo na sa mga patungkol sa relasyon o pagkakaugnay-ugnay. Kumakain nang magkakasabay ang pamilya; mahalaga sa mga nanay o lola na masarap ang kanilang pagluluto.

credits to christopher1218

          Bagama’t may iba’t-ibang pagkakahulugan ang mga salita na nabanggit, mapapansin na may pagkakapare-parehas ang mga kahulugan nito. Kahit na mula ito sa iba’t-ibang wika o diyalekto sa Pilipinas, makikita ang koneksyon o ugnayan sa pagpapakahulugan ng salita. Gayunpaman, meron ding mga salita na maiiba ang pagkakahulugan sa isang salita. Maaari nating masabi o mapatunayan na ang salita ay nakaugat sa kulturang pinanggagalingan nito. Ang konteksto na nakapaloob sa salita ay nakaugnay o maiiugat sa lugar na pinanggalingan nito. Gayundin, masasabi na ang mga tao at lugar ay isang malaking impluwensya sa pagpapakahulugan ng isang salita.

No comments:

Post a Comment